Mga Awit 37:5
Ang Biblia (1978)
5 Ihabilin mo ang iyong lakad (A)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
Mga Awit 55:22
Ang Biblia (1978)
22 (A)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
Mateo 6:25
Ang Biblia (1978)
25 (A)Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (B)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?
Read full chapter
Lucas 12:22
Ang Biblia (1978)
22 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (A)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.
Read full chapter
1 Pedro 5:7
Ang Biblia (1978)
7 Na inyong ilagak sa kaniya (A)ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978