Jeremias 46:28
Ang Biblia (1978)
28 Huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasaiyo: sapagka't ako'y gagawa ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinagtabuyan sa iyo; nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo, kundi sasawayin kita ng kahatulan, at hindi kita iiwan sa anomang paraan ng walang kaparusahan.
Read full chapter
Jeremias 30:10-11
Ang Biblia (1978)
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh (A)Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
11 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't (B)gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan (C)sa iyo; kundi sasawayin kita (D)ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978