Isaias 46:1
Ang Biblia (1978)
Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.
46 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay (A)yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.
Read full chapter
Daniel 5:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na (A)dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni (B)Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.
3 Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae.
4 Sila'y nangaginuman ng alak, (C)at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978