Font Size
Isaias 11:6-9
Ang Biblia, 2001
Isaias 11:6-9
Ang Biblia, 2001
6 At(A) ang asong-gubat ay maninirahang kasama ng kordero,
at mahihigang kasiping ng batang kambing ang leopardo,
ang guya, ang batang leon, at ang patabain ay magkakasama;
at papatnubayan sila ng munting bata.
7 Ang baka at ang oso ay manginginain;
ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping;
at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.
8 Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas,
at ang batang kahihiwalay sa suso ay isusuot ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.
9 Hindi(B) sila mananakit o maninira man
sa aking buong banal na bundok:
sapagkat ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon,
gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.