Genesis 19:2-3
Ang Biblia (1978)
2 At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo (A)na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, (B)at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, (C)Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.
3 At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain.
Read full chapter
Mateo 25:35
Ang Biblia (1978)
35 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978