Daniel 4:17
Ang Biblia (1978)
17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng (A)mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; (B)upang makilala ng mga may buhay (C)na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.
Read full chapter
Daniel 4:25
Ang Biblia (1978)
25 Na ikaw ay (A)mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay (B)pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.
Read full chapter
Daniel 4:32
Ang Biblia (1978)
32 At ikaw ay palalayasin (A)sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.
Read full chapter
1 Cronica 29:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at (B)nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.
Read full chapter
Mateo 6:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami (B)sa masama. Sapagka't[a] iyo ang (C)kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 6:13 Ang ibang mga kasulatan ay wala nito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978