2 Samuel 7:14
Ang Biblia, 2001
14 Ako'y(A) magiging kanyang ama at siya'y magiging aking anak. Kapag siya'y gumawa ng kasamaan, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;
Read full chapter
1 Cronica 17:13
Ang Biblia, 2001
13 Ako'y(A) magiging kanyang ama, at siya'y magiging aking anak, at hindi ko aalisin ang aking tapat na pag-ibig sa kanya, gaya ng aking pagkakuha doon sa nauna sa iyo.
Read full chapter
Isaias 43:6
Ang Biblia, 2001
6 Aking sasabihin sa hilaga, Hayaan mo,
at sa timog, Huwag mong pigilin;
dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki na sa malayo nagmula,
at ang aking mga anak na babae na mula sa mga dulo ng lupa,
Jeremias 31:9
Ang Biblia, 2001
9 Sila'y darating na may iyakan,
at may mga pakiusap na papatnubayan ko silang pabalik,
palalakarin ko sila sa tabi ng mga batis ng tubig,
sa matuwid na daan na hindi nila kakatisuran;
sapagkat ako'y ama sa Israel,
at ang Efraim ang aking panganay.